Ayon kay PhilGEPS Division Chief Rendell Sopeña sa impeachment trial, may 49 government contracts na kabuuang humigit-kumulang ₱35 milyon na napunta sa mga kumpanyang iniuugnay kay Vice President Sara Duterte.
• 33 kontrata — PhilHealth Region XI: ₱1.3M
• 15 kontrata — Davao City government: ₱34.2M
• 1 kontrata — OWWA Region XI: ₱330,000
• Saklaw ng records: Hulyo 21, 2022–Hunyo 23, 2026
• Kabilang sa nabanggit na kumpanya ang GenCorp Industries.
Iniuugnay ng prosekusyon ang mga kontrata sa alegasyon na hindi umano nag-divest si Duterte sa kanyang business at financial interests habang nasa puwesto, at binanggit ang Article VII, Section 13 ng 1987 Constitution.
Samantala, subpoenaed na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte para tumestigo sa Setyembre 28–30 tungkol sa mga transaksiyon ng GenCorp sa Davao City.
Sa pagdinig, lumitaw din ang ₱2.159 bilyong combined sales ng ilang kumpanyang iniuugnay kina VP Sara at Manases Carpio. Ayon sa SEC testimony, hindi lumilitaw ang pangalan ni Duterte bilang incorporator o shareholder sa corporate filings ng ilang kumpanyang nakalista naman sa kanyang SALN.













