-- ADVERTISEMENT --

Hihilingin ng House prosecution panel sa Senate impeachment court na ideklarang hostile witness si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kapag humarap siya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House prosecutor Benjamin Tolosa Jr., nais ng prosecution na tanungin si Baste tungkol sa Gencorp Industries Inc., isang kumpanyang idineklarang may financial interest ang Vice President sa kanyang SALN, at sa mga naging transaksyon nito sa Davao City government.

Bahagi ito ng paglalahad ng prosecution sa Article II, na tumatalakay sa alegasyon ng unexplained wealth. Ayon sa PNA, iniulat na nasa humigit-kumulang ₱14.32 milyon ang mga transaksyon ng Gencorp sa Davao City government mula 2022 hanggang 2025.

Kung pagbibigyan ng impeachment court ang kahilingan, maaari ang prosecution na gumamit ng leading questions sa pagtatanong kay Baste, gaya ng naunang ginawa sa mga testigong idineklarang hostile.

Naka-subpoena si Baste na humarap sa Setyembre 23, bagama’t maaaring magbago ang iskedyul depende sa takbo ng mga naunang pagdinig.