-- ADVERTISEMENT --

Apat ang nasawi at 22 ang sugatan matapos hagupitin ng Typhoon Dujuan ang ilang bahagi ng Japan, kabilang ang mga lugar malapit sa Tokyo.

Tatlo sa mga nasawi ay mula sa Chiba at isa sa Kanagawa. Patuloy naman ang search and rescue operations para sa anim na taong nawawala matapos ang mga landslide na dulot ng malakas na pag-ulan.

Sa Chiba, mahigit 45,000 kabahayan ang nawalan ng kuryente at mahigit 460 bahay ang napinsala. Naitala rin ang matinding pag-ulan sa ilang lugar, kabilang ang Oshima na nakapagtala ng 832 millimeters ng ulan sa loob ng 48 oras.

Naapektuhan din ang mga aktibidad sa bansa. Maagang isinara ang Tokyo Game Show at kinansela ang ilang flight dahil sa epekto ng bagyo.