-- ADVERTISEMENT --

Patay ang limang katao sa dalawang magkahiwalay na pagsabog sa Iran, na sinasabing dulot ng gas leak.

Sa Bandar Abbas, isang residential building ang nagtiphag, na nagresulta sa pagkamatay ng isang tao at pagkasugat ng 14.

Ayon sa mga awtoridad, nasira ang dalawang palapag ng gusali, pati na ang ilang sasakyan at mga tindahan.

Agad namang dinala ang mga sugatang biktima sa ospital para sa agarang paggamot.

Sa Ahvaz, namatay naman ang apat na tao sa isa pang pagsabog sa isang residential area.

Isang bata ang narekober mula sa mga debri at agad ding dinala sa ospital para sa medikal na atensyon.

Ang mga insidenteng ito ay naganap kasabay ng tumitinding tensyon sa rehiyon, kasunod ng pag-deploy ng mga tropang Amerikano sa Gulf at ang presyur sa Iran upang makipagkasundo hinggil sa kanilang nuclear program.

Ayon sa mga human rights groups, mahigit 6,300 katao na ang nasawi mula nang magsimula ang mga kaguluhan noong Disyembre.

Patuloy ang imbestigasyon hinggil sa iba pang mga ulat ng pagkamatay.