-- ADVERTISEMENT --

Ibinasura ng Sandiganbayan ang hiling ni dating Department of Public Works and Highways official Juliet Calvo na ilagay siya sa house arrest matapos siyang ma-stroke.

Sa halip, pinayagan ng anti-graft court si Calvo na manatili sa Philippine Heart Center sa loob ng 30 araw upang ipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot at paggaling.

Pagkatapos ng naturang panahon, inaatasan siyang ilipat sa Quezon City Jail Female Dormitory, alinsunod sa kautusan ng korte.

Nahaharap si Calvo sa kasong malversation kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro. Kasama sa mga akusado sa kaso ang dating mambabatas na si Zaldy Co.

Kaugnay ito ng mas malawak na imbestigasyon sa umano’y mga iregularidad sa flood control projects na kinasasangkutan ng bilyun-bilyong pisong pondo ng pamahalaan.

Samantala, nananatili sa labas ng bansa si Co at itinuturing ng mga awtoridad na fugitive kaugnay ng umano’y multi-bilyong pisong flood control scam.