Aresrado ang isang suspek matapos na makipagbarilan sa mga otoridad sa harap ng Five Vibes Bar sa Purok Lower Acharon, Barangay Calumpang, General Santos City , dakong 4:15 ng umaga.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas alias Dodong Sangil na residente ng Barangay Fatime, General Santos City.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang kinilalang biktima na si Rex Lakadwe Gapa, 23 taong gulang, isang security guard mula Davao Occidental, at ng nasabing suspek kung saan, bigla umanong binunot ni Dodong ang isang Cal.38 na baril at pinaputukan ang kasagutang gwardiya ngunit nagawang makaiwas ng biktima.
Habang nagaganap ang insidente, napadaan sina PCOL Maximo F. Sebastian Jr. Chief Regional Plans and Strategy Management Division (RPSMD) at si Pat Bonnie James Cadungog. Nang makita ang barilan, agad silang rumesponde.
Ayon sa mga imbestigador, pinaputukan sila ng suspek kaya’t napilitan din silang gumanti ng putok na nagresulta sa pagkasugat ng nahuling suspek na agad namang dinala sa General Santos City Medical Center para sa lunas at ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.