Nagdulot ng malawakang pagkaantala sa mga biyahe ang nagpapatuloy na “go-slow strike” ng mga empleyado sa Jomo Kenyatta International Airport sa Nairobi, Kenya.
Ilang pasahero ang napilitang maghintay nang mahigit 12 oras matapos maantala ang operasyon sa paliparan, habang ang ilang flight ay kinansela o inilipat sa susunod na araw.
Pinangunahan ng Kenya Aviation Workers’ Union o KAWU ang kilos-protesta dahil sa hindi pagkakasundo sa collective bargaining agreement at umano’y kawalan ng kooperasyon ng mga kinauukulang awtoridad ng paliparan at mga airline company.
Dahil sa epekto ng welga, ilang airline at paliparan ang nagkansela rin ng mga biyaheng patungong Nairobi, bunsod ng mga problemang nakaapekto sa air traffic control.
Patuloy naman ang pakikipagnegosasyon ng KAWU sa mga opisyal ng pamahalaan upang maresolba ang kanilang mga hinaing, habang nagpapatuloy ang kilos-protesta at naaapektuhan ang operasyon ng paliparan.













