-- ADVERTISEMENT --

Aabot sa 350 manggagawa at residente ang nailigtas ng Nepalese Army matapos ma-trap sa Upper Trishuli Hydropower tunnel dahil sa malawakang pagbaha sa Rasuwa, malapit sa Nepal-Tibet border, noong Agosto 26.

Nagpadala naman ang militar ng karagdagang tauhan para ipagpatuloy ang rescue operation at mailigtas ang tinatayang 100 katao na nananatiling nasa loob ng tunnel.

Patuloy ang search and rescue operations sa Rasuwa, isa sa mga lugar na matinding naapektuhan ng pagbaha.

Nagsimula ang insidente nang umapaw ang Bhotekoshi River at rumagasa ang tubig patungo sa Trishuli River at kalaunan sa Narayani River, na nagdulot ng malawakang pagbaha sa lugar.