-- ADVERTISEMENT --

Nakapagtala ng kabuuang 96,447 tawag ang Unified 911 emergency hotline sa loob ng 10 buwan mula nang ilunsad ito noong Setyembre 2025, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Batay sa datos ng ahensya, umabot sa 96.64 porsiyento ang efficiency rate ng hotline mula Enero 1 hanggang Oktubre 30.

Kabilang sa mga natanggap na tawag ang paghingi ng tulong sa pulisya, sunog, mga medikal na emerhensiya, search and rescue operations, gayundin ang mga insidenteng may kinalaman sa kababaihan at mga bata.

Ang Unified 911 ang kauna-unahang single emergency hotline sa bansa na pinagsasama ang police, fire, medical at rescue assistance sa iisang sistema upang mas mapadali ang paghingi ng tulong sa panahon ng emerhensiya.

Dagdag pa ng DILG, target na makarating ang mga rumerespondeng awtoridad sa lugar ng insidente sa loob lamang ng limang minuto upang agad na maaksyunan ang mga ulat at kahilingan ng publiko.

Patuloy namang hinihikayat ang publiko na gamitin ang Unified 911 hotline sa oras ng tunay na emergency upang masiguro ang mabilis na pagresponde ng mga kinauukulang awtoridad.