-- ADVERTISEMENT --
Tinanghal ang US pop star na si Taylor Swift bilang biggest-selling global artist ng 2025 ng International Federation of the Phonographic Industry (IFPI).
Ikaapat na sunod na taon na niya itong napanalunan at pang-anim na beses na niyang nakamit ang naturang taunang parangal.
Malaking ambag sa kanyang tagumpay ang paglabas ng bago niyang album na “The Life of a Showgirl,” na nagtala ng ilang streaming records. Nakatulong din ang kanyang docuseries at ang matagumpay na Eras Tour.
Ayon sa IFPI, maituturing na taon ni Swift ang 2025 dahil sa kanyang natatanging mga tagumpay sa industriya ng musika.













