Ipinagtanggol ni Iranian President Masoud Pezeshkian si Pope Leo XIV matapos ang umano’y mga insulto at kontrobersyal na pahayag ni US President Donald Trump.
Kinondena ni Pezeshkian ang pagpo-post ni Trump ng mga patama sa social media at iginiit na ito ay paglapastangan umano sa relihiyon at pagyurak sa dignidad ng pinuno ng Simbahang Katolika.
Si Pope Leo XIV, na itinuturing na kauna-unahang Amerikanong papa sa kasaysayan ng Simbahang Katolika, ay kilala sa kanyang panawagan para sa kapayapaan at dayalogo sa gitna ng mga pandaigdigang tensyon, kabilang ang sitwasyon sa Iran. Ang kanyang mga pahayag laban sa karahasan at digmaan ay nagdulot umano ng matinding reaksyon mula kay Trump.
Iniulat din na nag-post si Trump ng isang AI-generated na larawan kung saan ipinakita niya ang sarili na tila si Hesus, na lalo pang nagpasiklab ng kontrobersya.
Sa kabila nito, nananatiling nakatuon si Pope Leo XIV sa kanyang adbokasiya para sa kapayapaan at pagkakaisa, habang ang suporta ni Pezeshkian ay itinuturing na hindi pangkaraniwang pagpapakita ng pagkakaisa sa pagitan ng Iran at Vatican.













