-- ADVERTISEMENT --

Hindi naghain ng plea si Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan Fifth Division nitong Huwebes, Setyembre 3, kaugnay ng P573 milyong plunder at graft cases na may kinalaman sa umano’y ghost flood control project.

Dahil hindi siya nagpasok ng plea, ang korte na mismo ang nagrekord ng “not guilty” para sa dalawang kaso.

Binigyan ng Sandiganbayan ang kampo ni Estrada ng 10 araw upang ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat suspendihin bilang senador. May limang araw naman ang prosecution para magkomento sa kanilang ihahaing paliwanag.

Samantala, matapos alisin si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang co-accused, humiling ang kanyang abogado na ilabas na rin ng korte ang release order para sa pagpapalaya sa kanya mula sa kustodiya ng PNP General Hospital.