-- ADVERTISEMENT --

Magpupulong ang mga senador sa isang caucus upang maglatag ng mga “ground rules” sa posibleng pakikipag-usap sa Chinese Embassy tungkol sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Kinumpirma ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang layunin ng caucus na magtakda ng malinaw na mga parameter kung paano haharapin ang sensitibong isyu, nang hindi nagkakaroon ng tensyon o alitan sa pagitan ng mga mambabatas.

Aniya, maari rin makilahok ang minority bloc kung nais nila.

Nauna nang binuksan ni Lacson ang posibilidad ng isang konstruktibong pag-uusap sa pagitan ng mga senador at ng Chinese Embassy matapos ipahayag ni Ambassador Jing Quan ang kahandaang makipagdayalogo upang mapababa ang tensyon sa palitan ng mga pahayag hinggil sa WPS.

Samantala, binigyang-diin ni Lacson ang responsibilidad ng pamahalaan, partikular ng Armed Forces, na tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng mga Pilipino sa Pag-asa Island, na may tinatayang 400 hanggang 500 residente, kabilang na ang mga bata at mag-aaral.