-- ADVERTISEMENT --

Itinalaga si Senador Mark Villar bilang bagong chairman ng Senate Committee on Finance, matapos tanggalin si Sen. Sherwin Gatchalian sa posisyon. Layunin umano ng hakbang na ito na baguhin ang dynamics ng pagtatakda ng pambansang budget, na matagal nang nabatikos dahil sa kakulangan sa transparency.

Humalili si Villar habang patuloy na binubusisi ang mga alegasyon laban kay Gatchalian, kabilang ang paratang mula kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na diumano’y tumanggap ng kickbacks mula sa ilang flood control projects noong panahon ng panunungkulan ni Gatchalian sa ahensya.

Hanggang ngayon, wala pang pahayag si Villar hinggil sa kanyang bagong posisyon bilang finance chair.

Iginiit ni Sen. Gatchalian na ang chairmanship ng finance ay isang posisyon ng tiwala ng publiko. Binigyang-diin niya ang karanasan ni Villar sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno at negosyo, na nagbibigay sa kanya ng malalim na pang-unawa sa usapin ng pananalapi. Sa ilalim ng pamumuno ni Gatchalian, itinaguyod niya ang transparency, lalo na sa bicameral conference committee ng General Appropriations Bill, na matagal nang kinikilala bilang secretive at lugar umano ng “horse-trading” ng bilyong pondo ng publiko.

Kasabay ng pagkakahalal ni Villar, isinagawa rin ang malawakang reorganization sa Senado noong Lunes. Ilang komite ang nagkaroon ng bagong pamunuan: tinanggal sa minorya ang kanilang chairmanship sina Sen. Bam Aquino ng Committee on Basic Education (napunta kay Sen. Loren Legarda) at Sen. Risa Hontiveros ng Committee on Health (napunta kay Sen. Bong Go).