-- ADVERTISEMENT --

Nasamsam ang kalahating milyong halaga ng droga sa isang lalaki matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad sa Zone 6, Brgy. Cadiz, Kalamansig, Sultan Kudarat kagabi lamang , Agosto 8, 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Manny”, 52-anyos, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ng Kalamansig Municipal Police Station ay naaresto ang suspek ng magsagawa ng buy-bust operation ang Kalamansig MPS, SKPIU/PDEU, RID12 Tracker team Delta at 2nd SKPMFC.

Nasamsam mula sa suspek ang kabuuang 80 gramo ng plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Php544,000.00 mga perang ginamit at iba pang non-drug items.

Nasa kustodiya na ng nasabing stasyon ang suspek para sa dokyumentasyon at tamang disposisyon.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R Marcos Jr., na pagpapalawig sa seguridad sa bansa, tiniyak naman ng ating kapulisan na patuloy ang kanilang hanay sa pagsasagawa ng mga operasyon para sa mabilisang pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad at mapanatiling mapayapa ang kumunidad.