-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa P4.38 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura matapos ang magkakasunod na bagyo at patuloy na epekto ng hanging habagat.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), pinakamalaki ang naging pinsala sa palay na tinatayang P2 bilyon, habang P1 bilyon naman ang naitala sa high-value crops at P500 milyon sa fisheries sector.

Dahil sa pinsala sa mga pananim, tumaas ng P20 hanggang P40 ang presyo ng ilang pangunahing lowland vegetables sa mga pamilihan.

Gayunman, sinabi ng DA na nananatiling sapat ang suplay ng pagkain sa bansa habang isinasagawa ang mga hakbang para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng mga kalamidad.