-- ADVERTISEMENT --
Inaprubahan ng Office of the President ang binagong iskedyul ng biyahe sa ibang bansa ni Sara Duterte.
Ayon kay Claire Castro, magsisimula ang official travel ng Bise Presidente mula Mayo 2 hanggang Mayo 15. Ang pag-apruba ay inilabas noong Abril 28.
Saklaw ng biyahe ang ilang bansa sa Europa at Asya, kabilang ang Netherlands, South Korea, Belgium, Germany, at United Kingdom.
Matatandaang una nang humiling si Duterte ng travel clearance para sa petsang Abril 23 hanggang Mayo 15, ngunit naaprubahan ito sa huling minuto kaya’t kinailangang baguhin ang iskedyul ng kanyang pag-alis.













