-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala si Melvin Matibag laban sa posibilidad na magamit ang Senado bilang kanlungan ng mga indibidwal na pinaghahanap ng batas.

Ang pahayag ay kaugnay ng usapin sa umano’y pag-alis ni Ronald dela Rosa sa kabila ng pagkakaroon umano nito ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court.

Ayon kay Matibag, delikado umano para sa isang institusyon tulad ng Senado na magmistulang “safe haven” o taguan ng mga personalidad na may kinahaharap na kaso, dahil maaari itong makasira sa kredibilidad at tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Dagdag pa ng NBI chief, posibleng maapektuhan ang imahe ng mataas na kapulungan kung mabubuo ang pananaw na ginagamit ito bilang proteksyon ng mga indibidwal na nais umiwas sa proseso ng batas.

Matatandaang nauna nang tiniyak ng Senado na ilalagay si Dela Rosa sa “protective custody” at ihaharap ito sa mga awtoridad kung kinakailangan, subalit naging usapin kalaunan ang umano’y pagpayag na makalabas ang senador sa kabila ng naturang pangako.