AGUSAN DEL SUR — Patuloy na nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa opisyal na medal tally ng Palarong Pambansa 2026 matapos makalikom ng 91 gintong medalya, 71 pilak, at 71 tanso sa regular sports events.
Pumapangalawa ang CALABARZON na may 55 ginto, 50 pilak, at 60 tanso, habang nasa ikatlong puwesto ang Davao Region na nagtala ng 34 ginto, 32 pilak, at 34 tanso.
Kasunod sa talaan ang Central Visayas na may 32 gintong medalya, habang pumanglima ang Western Visayas na may 31 ginto.
Nakapagtala rin ng matitinding performances ang Caraga (30 ginto), Northern Mindanao (27 ginto), at Central Luzon (27 ginto).
Samantala, patuloy pang nadaragdagan ang medal count ng iba’t ibang delegasyon habang nagpapatuloy ang mga natitirang kompetisyon sa taunang pambansang palaro ng mga mag-aaral.
Top 10 sa Medal Tally (Regular Sports):
- NCR – 91G, 71S, 71B
- CALABARZON – 55G, 50S, 60B
- Davao Region – 34G, 32S, 34B
- Central Visayas – 32G, 30S, 44B
- Western Visayas – 31G, 36S, 45B
- Caraga – 30G, 19S, 48B
- Northern Mindanao – 27G, 31S, 31B
- Central Luzon – 27G, 27S, 33B
- SOCCSKSARGEN – 19G, 25S, 32B
- Zamboanga Peninsula – 17G, 11S, 13B
Pinangunahan naman ng SOCCSKSARGEN (Region XII) ang Demo Sports category ng Palarong Pambansa 2026 matapos magtala ng apat na gintong medalya, limang pilak, at siyam na tansong medalya, ayon sa opisyal na medal tally.
Top 10 sa Medal Tally (Demo Sports):
- SOCCSKSARGEN (XII) – 4G, 5S, 9B
- Davao Region (XI) – 4G, 4S, 5B
- Caraga (XIII) – 4G, 1S, 6B
- CAR – 3G, 5S, 4B
- Cagayan Valley (II) – 3G, 2S, 4B
- NCR – 3G, 1S, 1B
- CALABARZON (IV-A) – 2G, 1S, 2B
- Northern Mindanao (X) – 1G, 2S, 4B
- Western Visayas (VI) – 1G, 1S, 8B
- Eastern Visayas (VIII) – 1G, 0S, 4B
Batay sa opisyal na medal tally na inilabas ng Department of Education para sa Palarong Pambansa 2026.













