-- ADVERTISEMENT --

Pumalo na sa mahigit 1,000 ang nasawi sa Lebanon matapos ang pag-atake ng Israel.

Ayon sa Health Ministry ng Lebanon, umabot na sa 1,094 ang kumpirmadong nasawi. Bukod dito, mayroong 3,119 na sugatan mula nang simulan ng Israel ang kanilang operasyon noong Marso 2.

Hindi pa kasama rito ang pinakabagong ulat na may 22 nasawi at 153 sugatan sa mga panibagong insidente.

Magugunitang tinarget ng Israel ang mga kuta ng ilang militanteng grupo na nakikipag-alyansa sa Iran.