-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Patay ang lider ng grupong FSMR na si Anthony o mas kilala bilang alyas Magaw, matapos makasagupa ang 603rd Infantry Brigade kaninang umaga sa T’boli, South Cotabato.

Kasama ring napatay sa operasyon ang isang babaeng miyembro na si alyas Mutya.

Napag-alaman na nakuha sa mga pinaniniwalaang rebelde ang limang malalakas na uri ng baril.

Ayon sa militar, tatlong buwan pa lang na naupong lider si alyas Magaw kapalit ng mga dati ring napatay na opisyal ng kanilang grupo. Marami rin itong kinakaharap na kaso gaya ng Murder.

Inihayag naman ni BGEN Michael Santos, ang commander ng mga sundalo, ang tagumpay na ito ay regalo nila sa mga taga-South Cotabato ngayong Araw ng Kagitingan para mawala na ang takot at pangingikil sa lugar.

Ligtas naman ang lahat ng mga sundalo matapos ang engkwentro.