-- ADVERTISEMENT --

Dumating na sa New Delhi, India si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para lumahok sa 18th BRICS Summit ngayong Setyembre 12 at 13.

Bilang Chair ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ngayong 2026 at invited outreach country, gagamitin ni Marcos ang summit upang isulong ang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng Southeast Asia at mga pangunahing umuusbong na ekonomiya.

Inaasahang ilalatag ng Pangulo ang mga prayoridad ng ASEAN, partikular sa pagpapalakas ng kalakalan at pamumuhunan, food at energy security, climate resilience, at regional security.

Itinuturing ding pagkakataon ang summit para sa Pilipinas na makahanap ng mga bagong posibilidad para sa economic partnerships at mapalawak ang kooperasyon ng ASEAN sa mga bansang kabilang sa BRICS.

Bukod sa summit, nakatakda ring makipagpulong si Marcos kay Indian Prime Minister Narendra Modi para talakayin ang mga bilateral concerns at mga oportunidad na maaaring magpalakas sa ugnayan ng Pilipinas at India.

Ang pagbisita sa India ay bahagi ng foreign engagements ng Pangulo bilang ASEAN Chair, habang isinusulong ng Pilipinas ang mas aktibong papel ng rehiyon sa pandaigdigang usapin.