-- ADVERTISEMENT --

Nagpasalamat si Faustino Dy III sa mga kapwa mambabatas, partikular kay Gerville Luistro at sa House Committee on Justice, dahil sa kanilang pamumuno sa mga pagdinig kaugnay ng impeachment.

Noong Lunes, inaprubahan ng komite ang ulat na may kasamang resolusyon na naglalaman ng articles of impeachment laban kay Sara Duterte—isang hakbang na nagdadala sa proseso sa susunod na yugto.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Dy ang paninindigan ng Kamara sa transparency at accountability, na aniya’y mahalaga upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Kasabay nito, isinusulong din niya ang pagpasa ng Anti-Political Dynasty Bill upang matugunan ang matagal nang isyu ng political dynasties sa bansa. Ipinahayag din niya ang suporta sa KALINGA Act of 2026, na naglalayong palakasin ang kabuhayan, tugunan ang inflation, at patatagin ang ekonomiya.

Dagdag pa ng House Speaker, kailangan ding paigtingin ang mga hakbang para sa energy security at pagpapatibay ng pundasyon ng ekonomiya, kasabay ng panawagan na maipasa ang mga mahahalagang reporma upang higit na mapalakas ang kumpiyansa ng mamamayan sa gobyerno.