-- ADVERTISEMENT --
Nagtapos sa ika-siyam na puwesto si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa World Athletics Indoor Championships 2026 sa Poland.
Nakamit ni Obiena ang 5.70 meters na clearance, ngunit malayo ito sa mga nagwagi ng podium na sina Mondo Duplantis ng Sweden, Emmanouil Karalis ng Greece, at Kurtis Marschall ng Australia.
Unang nakapagtala si Obiena ng 5.5 at 5.70 meters, ngunit nabigo ito sa tatlong attempts para sa 5.85 meters.
Pati na rin ang kapwa Pinoy na si John Cabang Tolentino ay hindi nakapasok sa semifinals matapos magtapos sa ika-apat na puwesto sa Heat 1 ng 60 meters hurdles na may oras na 7.77 segundo.












