-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang magandang kampanya ni Alex Eala sa Italian Open matapos nitong makausad sa ikatlong round ng torneo.

Naselyuhan ni Eala ang panalo kontra kay Wang Xinyu, World No. 33, sa straight sets na 6-4, 6-3.

Mula umpisa ay kontrolado ng Pinay netter ang laban, kahit nagtangkang bumawi at pahabain ni Wang ang mga rally sa ikalawang set.

Aminado rin si Wang na nahirapan siya sa agresibo at kumpiyansang laro ni Eala, na patuloy na nagpapakita ng husay laban sa mas matataas na ranked na kalaban.

Ang impresibong performance ni Eala sa Italian Open ay nagsisilbi ring mahalagang paghahanda bago ang kanyang pagsabak sa French Open na nakatakdang magsimula sa Mayo 18.