Dinala na sa New Quezon City Jail sa Payatas si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez, kung saan siya mananatiling nakadetine alinsunod sa utos ng Sandiganbayan.
Isinagawa ang paglilipat matapos isaalang-alang ng Sandiganbayan Third Division ang findings ng Philippine General Hospital at testimonya ng mga doktor hinggil sa kanyang kondisyon sa kalusugan.
Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y P7.2 bilyong kickback mula sa mga proyekto sa imprastraktura ng pamahalaan mula 2022 hanggang 2025.
Kabilang din sa mga kinasuhan sina dating Ako Bicol Representative Zaldy Co, Samchan Foreign Exchange Corporation President Felicito Guevarra at personal assistant ni Romualdez na si Joselin Sereño, na nananatiling at large.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Romualdez na iginagalang niya ang desisyon ng Sandiganbayan at haharapin niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya sa tamang proseso ng hukuman.
Iginiit din niya na nananatili siyang inosente sa mga alegasyon habang nagpapatuloy ang paglilitis sa kaso.













