-- ADVERTISEMENT --

Isang crew member ng MV Hondius ang isinailalim sa ospital at mahigpit na isolation matapos makumpirmang positibo sa Andes strain ng Hantavirus infection habang naka-quarantine sa Netherlands.

Ayon sa Dutch National Institute for Public Health and the Environment (RIVM), isinugod ang pasyente sa ospital bilang pag-iingat upang mapigilan ang anumang posibleng pagkalat ng virus. Kasalukuyan siyang naka-isolate at mino-monitor ang kondisyon.

Ang Andes virus ay kilala bilang bihirang uri ng hantavirus na may kakayahang maipasa sa tao sa pamamagitan ng close contact, hindi tulad ng karamihan sa hantavirus na kadalasang nakukuha mula sa rodents. Naaalala rin ang mga naunang insidente sa cruise setting kung saan may naitalang pagkakasakit at pagkamatay, kaya mas pinaiigting ngayon ang surveillance at isolation protocols.