-- ADVERTISEMENT --

Muling iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagpapatuloy nito ang mga nasimulang pagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng mga batikos mula sa panig ng China.

Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang mga pahayag ng Chinese Communist Party ang nagiging ugat ng umano’y “instability” sa WPS, na aniya’y malinaw na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Trinidad na ang mga isinasagawang pagsasanay ng AFP sa Bajo de Masinloc, na bahagi rin ng WPS, ay may kaukulang pahintulot, maayos na naisapinal, iskedyulado, at isinasagawa alinsunod sa mga umiiral na batas at napagkasunduan.

Dagdag pa niya, ang mga ganitong uri ng unlawful actions ng China ay hindi lamang nangyayari sa Pilipinas kundi naitala na rin sa iba pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya, at maging sa paglabag sa international law.