-- ADVERTISEMENT --

Nasungkit ng Naegohyang Women’s Football Club ng North Korea ang kampeonato sa Asian Women’s Champions League matapos nitong talunin ang Tokyo Verdy Beleza ng Japan sa iskor na 1-0.

Naging makasaysayan din ang torneo dahil ito ang unang pagkakataon sa loob ng walong taon na may sports team mula North Korea na bumisita sa South Korea.

Itinanghal na bayani ng laban si Kim Kyong Yong matapos maitala ang nag-iisang goal bago matapos ang first half ng finals na ginanap sa Suwon.

Kilala ang women’s football bilang isa sa pinakamalalakas na larangan ng international sports ng North Korea, kung saan regular na nakikilahok ang kanilang mga koponan sa iba’t ibang kompetisyon sa Asya at iba pang bahagi ng mundo.

Dahil sa kanilang panalo, nakakuha rin ng puwesto ang North Korean club para lumahok sa FIFA Women’s Champions Cup.