-- ADVERTISEMENT --

Tampok ang kulturang Pilipino sa kasuotan ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagbubukas ng 49th ASEAN Summit 2026, kung saan isinuot niya ang isang eksklusibong likha ng Filipino fashion designer na si Francis Libiran.

Ang Unang Ginang ay nakasuot ng klasikong midi Filipiniana na gawa sa malambot na blush crepe at pinalamutian ng maseselang filigree details na hango sa tradisyonal na burdang Pilipino.

Ayon kay Libiran, espesyal na idinisenyo ang kasuotan para kay Marcos bilang pagpupugay sa husay, pagkamalikhain at mayamang pamana ng sining at kultura ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng naturang disenyo, naipakita rin ang kakayahan ng mga lokal na fashion designer na isulong ang identidad at tradisyon ng bansa sa isang mahalagang international gathering tulad ng ASEAN Summit.