-- ADVERTISEMENT --

Nanatiling mahigpit ang seguridad sa bansa kasunod ng maayos at pangkalahatang mapayapang pagbubukas ng 49th ASEAN Summit and Related Summits nitong Linggo, Nobyembre 15, sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP).

Pinuri ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga pulis at katuwang na ahensya sa matagumpay na pagpapatupad ng seguridad para sa pagdating ng mga lider at delegado mula sa iba’t ibang bansa.

Gayunman, iginiit ni Nartatez na kailangang manatiling alerto ang lahat ng security personnel dahil nakatakda pa ang pangunahing aktibidad ng summit mula Nobyembre 16 hanggang 18.

Inatasan din niya ang mga yunit ng pulisya na ipagpatuloy ang mahigpit na koordinasyon, panatilihin ang police visibility at tiyakin ang mabilis na pagtugon sa anumang posibleng banta.

Kasalukuyang nasa Full Alert Status ang mga yunit ng PNP sa National Capital Region, Region 3 at Region 4A, gayundin ang mga nakatalaga sa Camp Crame, upang matiyak ang seguridad ng mga delegado at publiko sa buong panahon ng summit.