-- ADVERTISEMENT --
Inilipat sa Nobyembre 23 ang nakatakdang pagprisinta sa plenaryo ng panukalang 2027 national budget, kasunod ng pagkaantala sa orihinal na iskedyul nito.
Kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito na hindi niya kayang maisagawa ang sponsorship sa orihinal na petsa dahil sa dami ng mga dokumentong kailangan pang suriin, partikular ang mga proyektong nakapaloob sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Aminado rin ang senador na nakaaapekto sa kanilang iskedyul ang nagpapatuloy na impeachment trial sa Senado.
Target naman ni Ejercito na maisumite ang committee report ng budget bill sa Nobyembre 18 o 19.
Pagkatapos ng sponsorship, agad nang isasailalim sa plenary debates ang panukalang pambansang budget para sa 2027.













