Nagpahayag ng pagsang-ayon ang Malacañang sa panawagan ng 35 business groups na alisin ang mga insertion sa panukalang 2027 national budget upang maiwasan ang posibleng pang-aabuso sa pondo ng bayan.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nakasaad na sa National Expenditure Program (NEP) ang mga programa at proyektong planong pondohan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Gayunman, nilinaw ni Castro na nasa kapangyarihan ng Kongreso ang pagsusuri, pagdaragdag o pagbabawas ng pondo sa ilalim ng tinatawag na Power of the Purse.
Umaasa rin ang Palasyo na hindi mababawasan ang panukalang budget ng ehekutibo, partikular ang pondong nakalaan para sa mga programa at proyektong nakatakdang ipatupad ng pamahalaan.
Binigyang-diin ni Castro na kailangang matiyak na ang bawat pondong ilalaan ng gobyerno ay mapupunta sa mga programa at serbisyong direktang makikinabang ang publiko.










