-- ADVERTISEMENT --

Iniuugnay ng Palasyo sa umano’y destabilization plot ang sinasabing pagkuha ng ilang indibidwal upang gumawa ng mga kathang-isip na kuwento laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, may ilang Duterte supporters umanong nagbibigay ng malaking halaga kapalit ng paggawa ng mga kuwentong maaaring makasira sa Pangulo.

Sinabi ni Castro na may mga naniniwalang bahagi ito ng isang plano na iniuugnay kay Mike Defensor at iba pang personalidad.

Gayunman, nilinaw ng opisyal na ang kaniyang mga pahayag ay ginawa niya bilang tagapagsalita ng Pangulo at hindi bilang pagtalakay sa mga alegasyon laban sa ibang indibidwal.

Hinimok naman ni Castro ang publiko na maging mapanuri at huwag basta maniwala sa mga impormasyong maaaring bahagi umano ng naturang plano, dahil maaari itong magdulot ng kapahamakan maging sa mga inosenteng tao.

Samantala, sinabi niyang nasa Office of the Ombudsman na ang mga usapin kaugnay ng imbestigasyon sa “Maleta Boys” at sa mga personalidad na lumilitaw sa kaso, kabilang si dating Speaker Martin Romualdez.