-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na maituturing na “act of war” laban sa Pilipinas ang anumang paggamit ng puwersa laban sa BRP Sierra Madre, ang barkong pandigma ng bansa na nakahimpil sa Ayungin Shoal.

Sa isang panayam, sinabi ni Teodoro na ang anumang pagtatangka o insidenteng may paggamit ng puwersa laban sa barko ay maituturing na opensiba laban sa Pilipinas.

Gayunman, nilinaw ng kalihim na magkaiba ang “act of war” at ang pormal na deklarasyon ng estado ng digmaan o “state of war.”

Binigyang-diin niya na ang Kongreso ng Pilipinas ang may kapangyarihang magpasya sa deklarasyon ng estado ng digmaan.

Tinanong din si Teodoro kung kinakailangang baguhin ang Rules of Engagement para sa mga tauhan ng BRP Sierra Madre upang maiwasan ang posibleng pag-akyat o pagpasok ng mga Chinese sa barko.