Dapat isama sa pagtalakay sa 16-vote requirement sa impeachment trial ang posibilidad na may mga senator-judge na hindi makadalo o makaboto, ayon sa kampo ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Paolo Panelo, hindi dapat hiwalay na tingnan ang voting threshold sa mga sitwasyong maaaring pumigil sa ilang senador na makilahok sa proceedings.
Inihayag ito ni Panelo matapos marinig ng Senate impeachment court ang magkakaibang posisyon ng mga retiradong mahistrado ng Supreme Court na inimbitahang magsilbing amici curiae o “friends of the court.”
Aniya, maaaring magkaroon ng implikasyon sa pagbibilang ng kinakailangang boto kung babaguhin ang denominator ng two-thirds requirement habang may mga senador na maaaring hindi makalahok dahil sa mga kasong kinakaharap o banta ng legal na aksyon.
Giit ni Panelo, kailangang suriin ang kabuuang sitwasyon ng mga senator-judge bago magtakda kung paano ilalapat ang voting threshold sa impeachment trial.













