-- ADVERTISEMENT --

Kinuwestiyon ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte ang posibilidad na sampung boto lamang ang kailangan upang baligtarin ang naunang ruling na nagtakda ng 16 na boto para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Umiigting ang debate sa voting threshold matapos kuwestiyunin sa Senado kung dapat manatili ang 16-vote requirement, lalo na kasunod ng pagliban ng ilang senator-judges sa mga impeachment proceedings.

Ayon kay Pulong Duterte, hindi dapat gamitin ang mas mababang voting requirement upang malampasan o mabago ang itinakdang constitutional requirement.

Maaari aniyang gamitin ang sampung boto para sa isang procedural matter kung ito ang nakasaad sa Senate rules, ngunit hindi ito nangangahulugan na maaari na nitong baguhin ang requirement na itinatadhana ng Konstitusyon.

“Ten votes to reverse the 16-vote rule? Are you sure about this? Ten votes to change the Constitution? Di puwede,” ani Duterte.

Patuloy namang pinag-aaralan ng Senate Impeachment Court ang usapin sa tamang voting threshold na gagamitin sa impeachment case ng bise presidente.