-- ADVERTISEMENT --

Bumaba nang malaki ang presyo ng baboy sa farmgate level sa gitna ng pangamba ng mga hog raiser sa posibleng pagkalat ng African Swine Fever (ASF) ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), nagdulot ng panic selling ang pangambang kumalat ang ASF, na naging dahilan upang bumaba ang presyo ng baboy sa ilang lugar.

Sa Mindanao, napansin ang pagbaba ng presyo ng mga produktong baboy kahit nananatiling mababa ang volume ng pork imports, ayon kay Agriculture Secretary Tiu Laurel.

Samantala, ipinakita ng datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ng 5.6% ang produksyon ng baboy sa ikalawang quarter, na umabot sa 412,280 metric tons.

Gayunman, hindi ito nakatulong upang mapanatili ang presyo sa farmgate level. Bumaba nang halos 19% ang average farmgate price kada taon, mula ₱211.91 ay naging ₱172.44 kada kilo.