-- ADVERTISEMENT --

Halos 800 katao na ang kumpirmadong nasawi matapos ang malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa hangganan ng Nepal at Tibet sa China, habang mahigit 3,000 pa ang nawawala.

Nagsimula ang trahedya matapos gumuho ang malaking glacier sa Himalayas, na nagpakawala ng rumaragasang bato, yelo at putik sa mga ilog ng Trishuli at Bhotekoshi.

Kabilang sa mga hinahanap ang mahigit 900 manggagawa mula sa 11 hydropower projects sa Nepal. Nasa 19,000 security personnel at 16 na helicopter ang ipinakalat para sa rescue operations.

Nagpadala rin ng tulong ang India at China, habang naglaan ng humanitarian aid ang United Nations at iba pang bansa. Tinatayang lumampas na sa $4 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, habang nananatili ang banta ng panibagong pagbaha sa hilagang Nepal.