-- ADVERTISEMENT --

Walong katao ang kumpirmadong nasawi habang mahigit 12 pa ang patuloy na hinahanap matapos tumaob at lumubog ang passenger ferry na Filo Jet sa baybayin ng Northern Cyprus.

Ayon sa mga awtoridad, sakay ng barko ang 259 pasahero at walong crew members nang tamaan ito ng dalawang malalaking alon matapos umalis sa Kyrenia.

Agad na inilunsad ang search and rescue operation gamit ang mga helicopter at coastguard boats ng Northern Cyprus at Turkey. Nasa 100 pasahero na rin ang matagumpay na nailigtas at naiahon sa dalampasigan.

Samantala, inaresto ang kapitan at pitong crew members bilang bahagi ng imbestigasyon upang matukoy kung may kapabayaan at ano ang eksaktong sanhi ng paglubog ng ferry.