-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag muli ng suporta si dating presidential spokesperson Harry Roque para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Mayo 23.

Sa naturang post, ibinahagi ni Roque ang larawan nila ni Duterte noong panahong wala pa itong kinahaharap na kaso sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs ng kanyang administrasyon.

Nilagyan niya ito ng caption na “See you soon again Tatay Digong” at “Walang iwanan,” na nagpapakita ng patuloy niyang suporta sa dating pangulo sa gitna ng kinahaharap nitong kasong crimes against humanity.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi rin ni Roque na kampante siya sa bagong legal team ni Duterte sa ICC, partikular sa paghawak ng bagong counsel na si Peter Haynes. Ito ay matapos ang pagbibitiw ng dating abogado na si Nicholas Kaufman mula sa legal defense ng dating pangulo.

Ayon kay Roque, “Makakatulog ako ng mahimbing knowing na si Tatay Digong has the best ever legal defense sa International Criminal Court with Atty. Peter Haynes.”