-- ADVERTISEMENT --

Kabilang ang isang student leader mula sa University of the Philippines (UP) Diliman sa 19 na napatay sa engkwentro ng militar laban sa mga pinaghihinalaang rebelde ng New People’s Army sa Toboso, Negros Occidental noong nakaraang Linggo, ayon sa UP Diliman University Student Council (USC).

Ayon sa Office of the Student Regent ng nasabing pamantasan, nakikihalubilo lamang si Allysa Alano sa mga magsasaka sa komunidad sa Negros Occidental nang mangyari ang pag-atake, kung saan ginawa lang umanong dahilan ng militar na nakasagupa nila ang mga miyembro ng New People’s Army upang pagtakpan ang kanilang pagpatay kay Alyssa pati na ang iba pang biktima.

Sa ngayon, katarungan ang sigaw ng nasabing organisasyon at panawagan nila ang pagrespeto sa karapatang pantao.

Una rito, inulat ng militar na ang naganap ay isang engkwentro sa pagitan ng gobyerno at mga miyembro ng New People’s Army (NPA). Itinatanggi ng militar ang mga alegasyon na ang mga napatay ay mga sibilyan o researchers lamang.

Sa ngayon, wala pang direktang tugon ang militar sa mga pahayag mula sa UP Diliman University Student Council at Office of the Student Regent.