-- ADVERTISEMENT --
Nadagdagan ang medal tally ng Pilipinas matapos masungkit ni Amaya Amparo Cojuangco ang silver medal sa women’s compound individual event sa 20th Asian Games.
Nagtala si Cojuangco ng 27 puntos sa gold-medal match, dalawang puntos na kapos kay Ashrifah na nagkampeon sa event.
Itinuturing na makasaysayan ang silver medal ni Cojuangco dahil ito ang unang pagkakataon na nakapasok ang isang Pilipinong archer sa isang Asian Games archery final.
Huling nag-uwi ng medalya ang Pilipinas sa archery noong 2014 Asian Games, nang makuha ni Paul Marton Dela Cruz ang bronze.












