Hindi nakadalo si Vice President Sara Duterte sa NBI conference na itinakda nitong Oktubre 5 kaugnay ng mga alegasyong inihain ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr.
Sa halip, hiniling ng kampo ng bise presidente sa National Bureau of Investigation na ipagpaliban ang kanyang pagharap at bigyan muna sila ng kopya ng kumpletong salaysay ni Gracioso, kasama ang mga attachment at iba pang ebidensyang isinumite sa ahensya.
Ayon sa kanilang liham na ipinadala noong Oktubre 1, nakasaad sa imbitasyon ng NBI na kasama ang sinumpaang salaysay, ngunit wala umano itong nakalakip nang matanggap ng kampo ni Duterte.
Dahil dito, sinabi ng kanyang mga abogado na kailangan muna nilang magkaroon ng sapat na oras upang suriin ang mga dokumento bago magsumite ng anumang tugon. Iminungkahi nilang isagawa ang conference sa Oktubre 8, 2026, alas-10 ng umaga.
Ang imbestigasyon ay isinagawa matapos maglahad si Gracioso ng alegasyon tungkol sa umano’y paghahatid niya ng mga maleta ng pera na aabot sa mahigit P2 bilyon, na sinabi niyang ginawa niya para kay Duterte at sa utos umano ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Samantala, hinihintay ang tugon ng NBI sa kahilingan ng kampo ng bise presidente.













