PHOTO © the epoch times
-- ADVERTISEMENT --

Pumalo na sa mahigit 2,000 katao, kabilang ang mga sibilyan at military personnel, ang nasawi dahil sa patuloy na giyera sa Iran. Kasama na sa bilang ang anim na US military crew members na nasawi matapos bumagsak ang kanilang refueling aircraft sa Iraq.

Ayon sa Human Rights Activists News Agency (HRANA), tinatayang higit pa sa nasabing bilang ang mga nasawi dahil sa kaguluhan.

Naniniwala si US President Donald Trump na may bahagyang tulong na ibinibigay ang Russia sa Iran. Ayon sa kanya, ang suporta ng Russia sa Iran ay isang hakbang upang labanan ang suporta ng Estados Unidos sa Ukraine.

Gayunpaman, pinabulaanan ng Russia ang mga alegasyon ng Estados Unidos, na nagsabing hindi sila nagbibigay ng anumang intelligence support sa Iran.