-- ADVERTISEMENT --

Opisyal nang nagtapos ang southwest monsoon o habagat season sa bansa, ayon sa PAGASA, kasunod ng paghina ng mga kondisyon na nagdudulot ng habagat rains.

Batay sa monitoring ng state weather bureau, naobserbahan ang malakas na high-pressure system sa East Asia, pag-usad patimog ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), paghina ng hangin at pagbawas ng pag-ulan na karaniwang kaugnay ng habagat.

Inaasahang mananatili ang ganitong weather pattern sa mga susunod na araw. Dahil dito, idineklara na rin ang pagtatapos ng tag-ulan sa western sections ng Luzon at Visayas.

Nagsimula ang habagat season noong Mayo 30, habang idineklara naman ang pagsisimula ng tag-ulan noong Hunyo 4.

Nauna nang inihayag ng PAGASA na ang Amihan season 2025–2026 ay inaasahang magiging mas mainit at mas banayad ang lamig kumpara sa mga nakaraang taon.