-- ADVERTISEMENT --

Mas pinagtibay ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabantay sa kalidad ng mga farm inputs matapos makatanggap ng reklamo laban sa limang supplier ng pataba.

Pansamantalang ipinatigil ang distribusyon ng kanilang produkto habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon kasama ang Fertilizer and Pesticide Authority.

Pinatigil ang lahat ng fertilizer stocks hanggang sa makakuha ng clearance mula sa Office of the Secretary, at inutusan ang mga kawani ng DA na magsumite ng ulat tungkol sa mga pending deliveries at kasalukuyang transaksyon upang mapabilis ang proseso.

Bagaman hindi pa ibinubunyag ang eksaktong detalye ng reklamo, sinabi ng ahensya na bahagi ito ng mas mahigpit na monitoring sa kalidad ng pataba, lalo na sa gitna ng tumataas na gastos sa produksyon.