Ipinahayag ni Arron Villaflor, aktor at board member ng ikalawang distrito ng Tarlac, na ang kumakalat na video scandal laban sa kanya ay bahagi lamang ng umano’y “smear campaign.”
Ayon kay Villaflor, ang mga litrato na ginagamit laban sa kanya ay mula sa kanyang mga proyekto sa Vivamax at hindi kailanman naging bahagi ng anumang iskandalo. Idinagdag pa niya na bahagi ito ng pulitika at wala na siyang kontrol sa opinyon ng iba.
Nagsimula ang mga alegasyon noong nagkampanya siya bilang board member noong Mayo 2025, ngunit mariin niyang itinanggi ito at hinamon ang mga nag-uugnay sa kanya sa video.
Samantala, nadawit din sa isyu ang mga aktor na sina Nikko Natividad, Gil Cuerva, at Ron Angeles matapos maiugnay sa ilang umano’y intimate videos na kumalat online.
Nanatiling tahimik si Natividad ngunit nag-share ng isang dance challenge post, habang si Ron naman ay nag-post ng cryptic message sa social media. Hanggang ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa mga nasabing personalidad hinggil sa kumakalat na mga video.













