-- ADVERTISEMENT --

Nasawi ang lima katao mula sa Mulao Elementary School sa Liloan dulot ng Bagyong Tino.

Ang mga biktima ay sina: Jherem (Grade 5), James (Grade 4), Jayde (Kinder), Charelyn Rose (Grade 2), at Khent Xyrus (Kinder).

Ayon sa pahayag ng paaralan, inilarawan ang mga bata bilang “matalino, may talento, at puno ng pangarap.” Nanawagan ang Mulao ES sa publiko na ipagdasal ang mga batang pumanaw at ang kanilang mga pamilya sa gitna ng trahedya.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 232 ang patay, 112 ang nawawala, at 532 ang sugatan dahil sa bagyo, ayon sa NDRRMC.

Manatiling nakatutok sa Bombo Radyo para sa karagdagang ulat tungkol sa sitwasyon sa Liloan at iba pang apektadong lugar.