-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa aksidenteng nangyari kung saan sugatan ang isang drayber ng motorsiklo matapos mabangga ng police patrol car ng Municipal Police Station Alamada.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Purok Centro, Barangay Magon, Tantangan, South Cotabato.

Ayon sa paunang ulat, minamaneho ng biktima na si Alyas Arnold, isang aplikante sa pagkasundalo, ang kanyang motorsiklo nang mahagip ng paparating na patrol car.

Agad na dinala sa ospital ang sugatang drayber at kasalukuyang nagpapagaling.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad kung may pananagutan ang drayber ng patrol car at ang tunay na sanhi ng banggaan.